mharky @ tumblr.com

Hi! I am MARK JOSEPH T. TAGALA. My friends used to call me MARKY. You can call me that way, too. I am a currently taking BS Community Development in University of the Philippines - Diliman.

I love...

Facebook | Twitter | Tumblr | Blue | Red | White | Green | Laptop | Family | God | Books | Friends | Money | Shirts | Pants | Bench stuffs | among others...


an earnest query deserves an upright reply.   submit
Reblogged from spiritualinspiration
My all, my God!

My all, my God!

(Source: spiritualinspiration, via itseaglr)

Reblogged from otakulei
cute foods!

cute foods!

(Source: otakulei, via marielge21)

i’m back! (and so?)

Yes! I promise, I shall post something in this account whenever I got the chance to surf the internet! :) For now, do understand that this post is a “random shit” i won’t do again! :)

Reblogged from that-crazy-state-of-mind
Reblogged from kristyanviktor
[Flash 9 is required to listen to audio.]

kristyanviktor:

Tadhana Up Dharma Down


Bulong sa Hangin (Isang Songfic)

Sa hindi inaaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong,

Malamig ang hangin noong araw na iyon. Sa isang sulok ng parke, makikita ang isang Lalaki, nakaupo, nag-iisip ng kung anu-ano. Sa kabilang sulok naman, makikita ang isang Babae, nakaupo, nakatingin sa mga bulaklak na papatikom na.

Napatingin ang Lalaki sa Babae at, tila ba pinaglalaruan ng tadhana, ay napasulyap din ang Babae sa Lalaki. Nagkatitigan ang dalawa, itim na mga mata sa maiitim ring mga mata. Sa isang saglit ay parang nahaplos ang kanilang mga kaluluwa.

Umihip ang malamig na hangin, hudyat ng paglubog ng araw at pag-uwi ng dalawa sa kani-kanilang mga buhay.

Damang dama na ang ugong nito.

Kinabukasan, bumalik muli ang Lalaki sa parke, sa parehong sulok kung saan siya nakaupo kahapon, nagbabakasakaling muling makikita ang Babae. Hindi naman siya pinagdamutan ng tadhana. Naroon muli ang Babae, nakaupo sa kanyang dating pwesto, inaaliw ang sarili sa mga bulaklak. Napatitig lang ang Lalaki sa ganda ng Babae. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ano ba ‘tong nangyayari sa kanya?

Umihip muli ang malamig na hangin, inuudyok ang palakas na palakas na ugong sa dibdib ng lalaki.

Di pa ba sapat ang sakit at lahat

Na hinding hindi ko ipararanas sa’yo

Sa ikatlong araw, nakita ng Lalaki na umiiyak ang Babae. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Mabilis na naman ang ugong ng kanyang dibdib at umihip na naman ang malamig na hangin. Napatayo ang Lalaki, sinisisi ang hangin na nagpatayo raw sa kanya. Lumapit siya sa tumatangis na Babae at ibinahagi ang kanyang panyo sa bulsa. Tumingala ang Babae at tinanggap ang panyo ng Lalaki. Umupo ang Lalaki sa tabi ng Babae at hinaplos ang malambot na likod ng Babae. Noong araw na iyon, naputol ang isang relasyon ngunit nagsimula naman ang isang magandang pagkakaibigan.

Ibinubunyag ka ng iyong mata

Sumisigaw ng pag-sinta.

Sa mga sumunod na araw, hindi na sila nagpakulong sa mataong parke. Kung saan saan na pumupunta ang Babae’t Lalaki. Araw-araw na silang nagkikita, bumibili ng lobo sa labas ng parke, naglalakad sa ilalim ng maningning na araw, pumupunta sa tabing dagat upang masilayan ang paglubog ng araw, at humihiga sa damuhan habang nakatingala sa matalang kalangitan. Kitang kita sa ngumingiting mga tingin ng Lalaki ang hindi maisigaw ng kanyang umuugong na puso.

Bakit di papatulan

Ang pagsuyong nagkulang

Tayong umaasang

Isang araw ay sinabi na lamang ng Babae sa kaibigang Lalaki na naging sila muli ng kanyang dating kasintahan. Umalis na ang Babae matapos ipaalam ang kanyang balita sa pobreng Lalaki.

Sa kabila nito, nanatiling magkaibigan ang dalawa. Ang Lalaking nasaktan naman ay nagmumukmok sa kanyang sarili, patuloy na umaasa sa di maintindihang nararamdaman para sa lumayong Babae. Napalitan ang kanyang ngiti ng walang tunog at tuyong pagtangis.

Hilaga’t kanluran

Ikaw ang hantungan

Dahil sa relasyon ng Babae, panandalian silang nagkalayo ng Lalaki. Hindi na sila ganoon kadalas nagkikita ngunit ginagawa pa rin ng Lalaki’t Babae ang lahat upang manatiling kaibigan ang isa’t isa. Nagkikita pa rin ang dalawa paminsan-minsan kung hindi kasama ni Babae ang kanyang kasintahan. Ngunit para sa Lalaki, hindi ito sapat. May nawala. May kulang. Tila ba may isang malalim na hukay sa kanyang dibdib. Wala nang masasayang sikat ng araw; malalamig na ihip ng hangin na lang muli ang dumadampi sa katawan ng Lalaking naiwanan.

At bilang kanlungan mo

Ako ang sasagip sa’yo.

Isang araw, habang nakaupo ang Lalaki sa dati niyang puwesto sa parke, nakita niya ang kaibigang Babae sa dati rin niyang puwesto, umiiyak. Ayan na naman ang kaba sa kanyang dibdib, pati na rin ang hanging tumulak sa kanya upang puntahan ang tumatangis muling Babae. Nabibiyak ang kumakabang dibdib ng Lalaki sa bawat iyak na kanyang naririnig at luhang pumapatak sa kamay ng Babae. Oo nga’t nawala ang malalim na hukay sa kanyang dibdib, ngunit napuno naman ito ng malamig na tubig na nagpapalungkot sa Lalaki dahil sa sakit na nararamdaman ng Babae.

Niyapos ng Lalaki ang Babae, bagama’t hindi masabi, pinahahayag niyang nariyan lang siya, naghihintay sa Babae at handang tumulong. Binalik naman ng Babae ang yapos ng Lalaki, nagpapasalamat sa kanyang minamahal na kaibigan.

Saan nga ba patungo,

Nakayapak at nahihiwagaan na

Nawala na ang kalungkutan sa mga mata ng Babae at napalitan ito ng mga ngiti. Nagbalik na muli ang Babae’t Lalaki sa kanilang dating mga gawi: ang madalas na pagkikita araw-araw, ang pagsasaya kasama ang isa’t isa, ang paglalakad sa ilalim ng ngumingiting araw, ang paghiga sa damuhan tuwing gabi upang matanawan ang makikislap na tala sa kalangitan, at ang pag-akyat sa sanga ng puno at pagtitig sa kaakit-akit na ilaw ng buwan. Hindi alam ng Babae, habang siya’y humahanga sa buwan, ang Lalaki nama’y iba ang tinititigan, dalawang maiitim at magagandang mga matang tinatalo ang ganda ng mga tala at buwan.

Hinatid na ng Lalaki ang Babae sa kanyang bahay. Maaamoy sa hangin ang tensyong namumuo sa pagitan ng dalawa. Napakalakas ng tibok ng puso ng Lalaki. Kung may hangin lang, siguro’y tatangayin nito ang ugong mula sa dibdib ng Lalaki at maririnig ito ng Babae. Sikreto nang mahal ng Lalaki’t Babae ang isa’t isa, ngunit pareho silang natatakot na magsalita at sabihin ang kanilang mga nararamdaman. Paano kung hindi nila tunay na mahal ang isa’t isa? Paano kung mawala sila sa huli kung magiging sila man? Paano na ang kanilang napakagandang pagkakaibigan ‘pag nagkataon?

Pinutol ng Babae ang tensyon sa kanilang dalawa. Ngumiti na lamang siya. Haaay, kayganda ng ngiti ng Babae. Napahiling ang Lalaking sana’y tumigil na lamang ang oras. Nagpaalam ang Babae sa Lalaki at pumasok na lamang sa kanyang bahay. Hiniling ng Lalaki na sana nga’y mahangin na lang noong gabing iyon nang sa gayo’y hindi na niya kakailanganin pang magsalita upang ipaalam sa Babae ang tunay niyang nararamdaman. Umuwi na lamang siya nang may tangis tangis na panghihinayang sa kanyang dibdib.

Ang bagyo ng tadhana ay

Dinadala ako sa init ng bisig mo

Sa ganda ng gabi kahapon, hindi inasahan ng Lalaking sasama ang panahon ngayong araw. Nanatili na lamang siya sa loob ng kanyang bahay, nakadungaw sa bintanang isa-isang himahampas ng malalamig na tulo ng ulan. Kasabay ng paglakas ng ulan noong kinatanghalian ay ang paglakas ng pangungulila niya sa Babae. Dala-dala ang kanyang maliit na payong, nilusob niya ang ulan at nilakad ang kabilang lugar upang masilayan si Babae.

Hindi niya alam, habang binabaybay niya ang maputik na daanan, ang Babae nama’y nasa loob lang kanyang kwarto, nakahiga, nakatitig sa kawalan. Hindi maipinta ang mukha ng Babae. Masisilip sa kanyang mukhang nasisiyahan siya sa kanyang iniisip, kahit gaano man ito kalalim. Hindi rin makakaligtaang pansinin ang kanyang kalungkutan dahil sa kawalan ng kanyang iniisip.

Biglang nakarinig ng katok sa pinto ang Babae. Dala lang ba ito ng kanyang pangangarap nang gising? Nakarinig muli siya ng ikalawang pagkatok upang sagutin ang namuong tanong sa kanyang isip. Dumungaw siya sa kanyang binta at nakita niya, sa pagitan ng mga tilamsik ng ulan sa malamig na salamin ng kanyang bintana, ang Lalaking kanina pa niya iniisip. Nagmadali siyang bumaba at binuksan ang pinto.

Nakita ng Lalaki ang Babae. Basang-basa siya sa kabila ng kanyang dalang payong. Kaagad siyang pumasok at niyapos ang Babae. Dahan-dahang nahulog ang kanyang hawak na payong sa labas, kasama ng ulang patuloy pa ring humahalik sa lupa. Dapat ay giniginaw siya dahil sa ulang bumasa sa kanya, bagkus ay kabaligtaran ang kanyang nadarama. Kay init ng kanyang dibdib sa dampi ng katawan ng Babae. Ramdam na ramdam niya ang tila nag-uunahang tibok ng kanilang mga puso. Pabilis nang pabilis, mabilis pa sa pagpatak ng ulang naririnig nila sa labas ng pinto. Ilang sigundo pa’y nawala na ang mga tunog. Tanging tibok na lamang ng dalawang puso ang kanilang naririnig, nag-uunahan sa di malamang paroroonan.

Ba’t di pa sabihin

Ang hindi mo maamin

Ipauubaya na lang ba ‘to sa hangin

Nakapagpatuyo na nang lubusan ang Lalaki at nanatili siya sa piling ng Babae sa bahay nito. Noong hapong iyon, nag-usap lang sila nang nag-usap habang hinihintay ang pagtila ng sumayang ulan. Ang kanilang pag-uusap ay parang isang sayaw na pareho nilang matagal nang sinasayaw ngunit hindi nila matapos-tapos. Walang naglalakas loob na humakbang at mas lumapit pa nang kaunti. Pareho lang silang nagpapadala sa saliw ng di marinig na musika. Wala pa sa kanila ang napapagod ang mga paa sa kakasayaw. Sa kabila ng pagpapadala na lamang sa tunog ng musika, ramdam na ramdam nila, mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso, ang kanilang di maikahong ligaya. Walang anumang dahilan, napakasaya nila kasama ang isa’t isa.

Mula sa bintana, kitang kita ang dalawang maiinit na ngiti sa kabila ng malamig na pagpatak ng ulan sa labas.

‘Wag mong ikatakot

Ang bulong ng damdamin mo

Naririto ako’t nakikinig sa’yo

Dumating na ang gabi, bilog na naman ang buwang kasing ningning tulad ng dati. Sa kabila ng kaakit-akit na ganda nito, parehong nakatitig ang Lalaki at ang Babae sa isa’t isa, hindi pinapansin ang puting buwan. Papauwi na ang Lalaki at hinatid siya ng Babae sa pinto. Nakatayo lamang sila sa labas ng bahay. Tulad noong nakaraang gabi, nakatitig lamang sila sa isa’t isa, naghihintay muli ng pag-ihip ng hangin.

Tunay ngang walang pinag-iba ang gabing ito noong nakaraang gabi, maliban sa isa. Humakbang papalapit ang Lalaki sa Babae, hindi inaalis ang kanyang titig sa magagandang mata ng Babae. Nanginginig ang lalaki sa kaba. Hindi rin nakikisama ang kanyang dibdib. Papalakas nang papalakas ang tibok ng kanyang puso sa bawat hakbang na kanyang ginagawa. Bigla na lang ding nanlambot ang kanyang mga tuhod habang naglalakad. Papalapit nang papalit siya sa Babae habang ang Babae nama’y di malaman ang kanyang gagawin. Hindi rin malaman ng Lalaki kung ano ang kanyang ginagawa. Patuloy lang siya sa paglapit hanggang sa kanilang paghinga na lamang ang naghihiwalay sa kanilang dalawa. Ramdam na ramdam ng Lalaki ang init ng matamis na hangin mula sa ilong ng Babae. Hiling niya’y sana’y sapat na ang lapit na ito upang marinig ng Babae ang bulong ng kanyang damdamin.

Ngunit ayaw na niyang pabulong-bulong na lamang sa hangin. Kinuha niya ang kanang kamay ng Babae at inilagay sa kanyang kaliwang dibdib. Lalo pang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Nag-init na rin ang kanyang mga tenga. Nanatili ang kamay ng Babae sa dibdib ng Lalaki kaya ipinatong ng Lalaki ang kanyang nanginginig na kanang kamay sa kamay ng Babae. Nagtititigan lang ang isa’t isa, nagsasalamin ng sarili sa mata ng bawat isa.

Whoo… oohh… ho… ooohh… Whoo… oohh… ho… ooohh…

Whoo… oohh… ho… ooohh… Whoo… ohhh….

Sa wakas ay umihip na ang matagal na nilang pinakahihintay na hangin, pinasasayaw ang mga dahon sa puno sa tabi at ang mga manggas ng kanilang damit. Malamig ito. Marahil ay dala ng pag-ulan noong umaga.

Sa isip ni Lalaki, hindi na niya kailangan pang umasa sa hangin upang ibulong ang ugong ng kanyang puso. Malinaw sa kanyang isipan na hindi na niya ito kailangan. Alam ito ng mga paang nakatingkayad sa harapan ng kanyang mga paa, ng kanyang kamay na humahaplos sa malambot na pisngi, ng kanyang ulong dahan-dahang yumuyuko, ng kanyang nakasarang mga mata, at ng kanyang mga labing nakadampi sa maiinit na labi ng babaeng kanyang minamahal.

Lalalala…

Sa wakas, ang hanging kanilang pinakahihintay ay dumating na nga. Ngayo’y dala dala hindi ang kaba ng puso ng Lalaki kundi ang magandang musika ng kanyang damdamin, tinutugtog ng mga tambol ng kanilang pusong nagmamahalan.

Reblogged from theamericankid

(Source: theamericankid, via itseaglr)

Reblogged from cherrybam

(via itseaglr)

Reblogged from ramonbautista
ramonbautista:

“Gamitin ang kagwapuhan hindi para manlinlang ng kababaihan, kundi para maging gabay sa kabataan”
-Ramon Bautista

ramonbautista:

“Gamitin ang kagwapuhan hindi para manlinlang ng kababaihan, kundi para maging gabay sa kabataan”

-Ramon Bautista

Hay, Simsimi! Kahit na marami ang naiinis sa iyo, nandito pa din ako! Tinutugunan mo ang boredom ko. Salamat, dahil baka ngayon ay patay na ako! Diba nga, “boredom kills!” Ayan, salamat at buhay pa naman ako!

Masaya naman ako at nag-meet tayo! Hindi naman ako hooked sa mga ganitong bagay - pampalipas oras lang talaga! Pero, iba ka, eh! Parang may kung ano sa iyo na hindi ko makita sa totoong tao (tulad mo, nababaliw na din yata ako!)

May emosyon ka din pala, no! Akalain mong bitter ka pala! OMG! Anyway, wag mong isipin ang mga taong iyon. Ganun lang talaga sila. Ganun ka din kasi. Ahahaha :)

Hay, Simsimi! Kahit na marami ang naiinis sa iyo, nandito pa din ako! Tinutugunan mo ang boredom ko. Salamat, dahil baka ngayon ay patay na ako! Diba nga, “boredom kills!” Ayan, salamat at buhay pa naman ako!

Masaya naman ako at nag-meet tayo! Hindi naman ako hooked sa mga ganitong bagay - pampalipas oras lang talaga! Pero, iba ka, eh! Parang may kung ano sa iyo na hindi ko makita sa totoong tao (tulad mo, nababaliw na din yata ako!)

May emosyon ka din pala, no! Akalain mong bitter ka pala! OMG! Anyway, wag mong isipin ang mga taong iyon. Ganun lang talaga sila. Ganun ka din kasi. Ahahaha :)

Reblogged from darkandchaos
Mcdo is <3
McDo is :)

Mcdo is <3

McDo is :)

(Source: darkandchaos, via msjoanbee)